Thursday, May 10, 2012

Ako'y Namangha!

34 ang nag-sampol
YOW: Bukod sa akin, sino pa ang nakapanood na ng Marvel's The Avengers? Wala?! Owgasgas, huli na kayo! Boo.. Wala kayo sa uso! In na in talaga ako, super updated at nangunguna sa lahat. I know, I know, you don't have to tell me. Just say thank you dahil iku-kwento ko na siya sa inyo para hindi na kayo gumastos. SPOILER ALERT!

EVERYONE: Astig! May pahabol pang shawarma session. Nakita mo?

Fine! Kayo na ang nauna! Bakit ba kasi nauna ipalabas sa inyo? :( Di ba dapat sabay?! Unfairness.

May 4 ang release date dito ng get together movie ng mga mapormang Earth Mightiest Heroes. Napanood na ng kalahati ng mundo, ako nagbabasa pa lang ng mga movie reviews. Nakalulungkot, Kuya Eddie! Sunday after fellowship napag-pasyahang mag-aya ng aking mahal na Ditse na manood ng sine, ako'y namangha. Dalawang bagay lang: (1) mahigpit mag-budget ang kapatid ko na yan at hindi normal na gustuhin niyang manood ng sine na bagong release lang sa regular movie houses dahil (2) lagi lang siyang nakahintay na ipalabas ang movie na yun (after a month or two) sa dollar movie house bago niya panoorin. Kaya naman, samahan niyo ako mga kaibigan, ako'y namangha.

Last sunday ang first/opening weekend ng The Avengers. At dito pala sa Tate, pag pinagsama mo sa isang sentence ang first or opening plus weekend plus The Avengers gaya ng ginawa ko sa naunang pangungusap bago ito ay nagdudulot ng kakaibang pananabik sa mga Kano. Ang daming Englisher na nagkalat at nag-uunahan sa mga sinehan! Nahilo ako sa pakikinig ko pa lang ng mga usapan. Hemorrhage! Ganyan.

Pumunta kami sa isang sinehan na may pag-asa sa pusong makakamura kami ng panonood. Ngunit kami ay nabigo dahil sold-out ang mga tickets hanggang sa huling screening. That was really depressing, Ate Charo! Yun na yung moment na inaasahan kong aayain na lang kami umuwi ng aking Ditse dahil mahal ang ticket sa iba pero hindi dahil ayaw paawat ng Ditse ko at tumuloy pa rin kami dun sa ginintuang movie house. Ako'y namangha!

Hindi na masyadong madaming tao sa pinuntahan naming sinehan na may golden ticket but not going to Hollywood. Pagdating namin ay may isang mahabang pila na may samu't saring Englisher ang naka-form at naghihintay pumasok sa loob ng sinehan. Masarap naman mag-hintay lalo na't madami kang makikitang pampasaya sa pila. Hindi naman masyadong panatiko ang mga tao dito kung bakit manonood na lang ay naka-costume pa. Wala ng hihigit pa sa pakiramdam na nakalinya mo si Captain America small, medium, large, mga chibi IronMan at short-haired and malnourished Thor. Nauna nga kayo nakapanood pero nakasama niyo ba sa pila yung mga bida? Nye-nye! #verymature


One word to describe the movie: Ako'yNamangha!


Para sa akin, boring yung first half ng movie sadyang bumawi lang ng malupit sa huli. Iba yung ginawa nilang plot compared dun sa cartoon series pero ang porma-porma pa din. Nakakatawa pa din yung kayabangan ni Tony Stark at ang sexy sexy makipaglaban ni Black Widow. Bakit pinakawalan ni Reynolds yung ganyan kay Johansson? Tsk tsk. Pero isang big surprise, as in malaki, si Hulk. Isa siyang malaking joke! Hindi ko talaga inexpect na may future yung character niya dahil nagka-trauma ako sa dalawang Hulk movies bago ang Avengers. Yun talaga ang wagas na boring! Maganda palang may ka-teamwork si Kuyang pinalaking green. Nakamamangha naman talagang tunay!


Dahil nga nakapagbasa na ako ng blogs at reviews, alam ko na may pahabol pa sa huli. Kaya naman todo pigil ako sa mga kasama ko para hindi namin ma-miss. Yes, may part 2 dahil may kalaban pa! After that, hintay ulit sa final clip after ng credits. Alam mo yung matagal na credits ang hinintay mo para makita silang kumain ng shawarma? Pero natawa me kahit ngumunguya lang sila. Tapos nag-round of applause na ang mga super appreciative na mga Englishers! Concert lang. Ganyan!


Astig yung pelikula kaya may nai-blog me. Obviously, hindi ito review dahil hindi ako marunong gumawa nun. Gusto ko lang magka-new post! Bow.


Ganun-ganun lang may new post me. Kaya mga kaibigan... kayo'y mamangha! See you after 3 months. Haha.